Add parallel Print Page Options

21 At ang lahat niyang mga tanan sa lahat (A)niyang pulutong ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak, at ang nalabi ay mangangalat sa bawa't dako: at inyong malalaman na akong Panginoon ang nagsalita niyaon.

Ang mabuting cedro.

22 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, (B)Kukuha naman ako sa dulo ng mataas na cedro, at aking itatanim; sa pinakamataas ng kaniyang sariwang sanga (C)ay puputol ako ng supling, at aking (D)itatanim sa isang mataas na bundok at matayog:

23 Sa bundok na kaitaasan ng Israel ay aking (E)itatanim: at magsasanga at magbubunga, at magiging mainam na cedro: at sa lilim niyao'y (F)tatahan ang lahat na ibon na may iba't ibang uri; sa lilim ng mga sanga niyaon magsisitahan sila.

Read full chapter