Ezekiel 18:22-24
Ang Biblia (1978)
22 Wala sa kaniyang mga pagsalangsang (A)na nagawa niya na aalalahanin laban sa kaniya: sa kaniyang katuwiran na kaniyang ginawa ay mabubuhay siya.
23 Mayroon baga akong anomang kasayahan sa kamatayan (B)ng masama? sabi ng Panginoong Dios: at hindi baga mabuti na siya'y humiwalay sa kaniyang lakad, at mabuhay?
24 Nguni't (C)pagka ang matuwid ay humiwalay sa kaniyang katuwiran, at gumagawa ng kasamaan, at gumagawa ng ayon sa lahat na kasuklamsuklam na ginagawa ng masamang tao, mabubuhay baga siya? Walang aalalahanin sa (D)kaniyang mga matuwid na gawa na kaniyang ginawa: sa kaniyang pagsalangsang na kaniyang isinalangsang, at sa kaniyang kasalanan na kaniyang ipinagkasala, sa mga yaon mamamatay siya.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978