Ezekiel 20:5-7
Ang Biblia (1978)
5 At sabihin mo sa kanila; Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Nang araw na (A)aking piliin ang Israel, at itaas ko ang aking kamay sa lahi ng sangbahayan ni Jacob, at (B)pakilala ako sa kanila sa lupain ng Egipto, na iginawad ko ang aking kamay sa kanila na sinabi, (C)Ako ang Panginoon ninyong Dios;
6 Nang araw na yaon ay iginawad ko ang aking kamay sa kanila, upang ilabas ko sila sa lupain ng Egipto, na dalhin sa lupain na aking itinaan sa kanila na binubukalan ng gatas at pulot, (D)na siyang pinakamainam kay sa lahat ng lupain.
7 At sinabi ko sa kanila, Itakuwil ng bawa't isa sa inyo ang mga bagay na kasuklamsuklam sa kaniyang mga mata, at huwag kayong mangahawa (E)sa mga diosdiosan ng Egipto; ako ang Panginoon ninyong Dios.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978