Font Size
Ezekiel 20:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ezekiel 20:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
7 Sinabi ko sa kanila noon na talikuran nila ang mga diyus-diyosan ng Egipto at huwag nilang sambahin ang mga iyon sapagkat ako ang Diyos nilang si Yahweh. 8 Ngunit hindi nila ako sinunod, hindi nila ako pinakinggan. Hindi nila tinalikuran ang kasuklam-suklam na mga bagay na iyon ni iniwan ang mga diyus-diyosan ng Egipto.
“Binalak ko sanang ibuhos na sa kanila ang aking matinding poot noong nasa Egipto pa sila. 9 Ngunit hindi ko ito itinuloy upang ang pangalan ko'y hindi mapulaan ng mga karatig-bansa ng Israel, mga bansang ninanasa kong makakita sa gagawin kong pag-aalis ng Israel sa Egipto.
Read full chapter