Add parallel Print Page Options

14 Ikaw nga, anak ng tao, manghula ka, at ipakpak mo kapuwa ang iyong mga kamay; at ang tabak ay malupi sa ikatlo, ang tabak ng nasugatan sa ikamamatay: siyang tabak (A)ng dakilang nasugatan sa ikamamatay na pumasok sa kanilang mga silid.

15 Aking iniumang ang kumikinang na tabak laban sa lahat nilang pintuang-bayan, upang ang kanilang puso ay manglumo, at ang kanilang mga pagkatisod ay dumami: ah! ang pagkayari ay parang kidlat, na inihasa upang ipangpatay.

16 Humayo ka sa isang dako, (B)lumagay ka sa kanan, o lumagay ka sa kaliwa, saan man mapaharap ang iyong mukha.

Read full chapter