Font Size
Ezekiel 21:15-17
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ezekiel 21:15-17
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
15 Sa gayon, mababagabag ang kanilang kalooban at marami sa kanila ang mabubuwal. Binabalaan ko sila sa pamamagitan ng tabak na ang kislap ay tulad ng kidlat; handa itong mamuksa. 16 Itataga ito nang kaliwa't kanan, magkabi-kabila. 17 Papalakpak din ako para mapawi ang matindi kong poot. Akong si Yahweh ang maysabi nito.”
Read full chapter