Add parallel Print Page Options

24 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagka't inyong ipinaalaala ang inyong kasamaan, palibhasa'y ang inyong mga pagsalangsang ay nalitaw, na anopa't sa lahat ninyong gawa ay nagsilitaw ang inyong mga kasalanan; sapagka't dumating ang pagkaalaala sa inyo, kayo'y huhulihin ng kamay.

25 At ikaw, (A)Oh masama na nasugatan ng ikamamatay, na prinsipe sa Israel, na ang kaarawan ay dumating, sa panahon ng parusang pinaka wakas;

26 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Ilapag mo ang (B)tiara, at alisin mo ang putong; ito'y hindi na mangyayari pa uli; (C)itaas mo ang mababa at ibaba mo ang mataas.

Read full chapter