Add parallel Print Page Options

11 At ang isa'y gumagawa ng kasuklamsuklam sa asawa ng kanyang kapwa. Ang isa'y gumagawa ng kahalayan sa kanyang manugang na babae, at ang iba sa iyo'y sinipingan ng isa ang kanyang kapatid na babae na anak ng kanyang ama.

12 Sa(A) iyo ay tumanggap sila ng suhol upang magpadanak ng dugo. Ikaw ay kumukuha ng patubo't pakinabang, at ikaw ay nakinabang sa iyong kapwa sa pamamagitan ng pang-aapi; at nilimot mo ako, sabi ng Panginoong Diyos.

13 “Narito, kaya't aking inihampas ang aking kamay sa madayang pakinabang na iyong ginawa, at sa dugo na dumanak sa gitna mo.

Read full chapter