Font Size
Ezekiel 22:12-14
Ang Biblia, 2001
Ezekiel 22:12-14
Ang Biblia, 2001
12 Sa(A) iyo ay tumanggap sila ng suhol upang magpadanak ng dugo. Ikaw ay kumukuha ng patubo't pakinabang, at ikaw ay nakinabang sa iyong kapwa sa pamamagitan ng pang-aapi; at nilimot mo ako, sabi ng Panginoong Diyos.
13 “Narito, kaya't aking inihampas ang aking kamay sa madayang pakinabang na iyong ginawa, at sa dugo na dumanak sa gitna mo.
14 Makakatagal ba ang iyong tapang, o mananatili bang malakas ang iyong mga kamay sa mga araw na haharapin kita? Akong Panginoon ang nagsalita, at gagawin ko iyon.
Read full chapter