Font Size
Ezekiel 22:26-28
Ang Biblia, 2001
Ezekiel 22:26-28
Ang Biblia, 2001
26 Ang(A) kanyang mga pari ay nagsigawa ng karahasan sa aking mga aral at nilapastangan ang aking mga banal na bagay. Hindi nila binigyan ng pagkakaiba ang banal at ang karaniwan, o kanila mang itinuro ang kaibahan ng marumi sa malinis, at kanilang pinawalang-halaga ang aking mga Sabbath, kaya't ako'y nalapastangan sa gitna nila.
27 Ang kanyang mga pinuno sa gitna niya ay parang mga asong-gubat na niluluray ang biktima, nagpapadanak ng dugo, nangwawasak ng mga buhay upang magkaroon ng madayang pakinabang.
28 At pininturahan sila ng puti ng mga propeta na nakakakita ng huwad na mga pangitain, at nanghuhula ng mga kabulaanan para sa kanila, na nagsabi, ‘Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos,’ bagaman hindi nagsalita ang Panginoon.
Read full chapter