Add parallel Print Page Options

14 At kanyang pinalago ang kanyang pagiging bayarang babae.[a] Siya'y nakakita ng mga lalaking nakalarawan sa mga pader, mga larawan ng mga Caldeo na nakalarawan sa bermillon,

15 na nabibigkisan sa kanilang mga balakang, na may nakabalot na mga putong sa kanilang mga ulo. Silang lahat ay parang mga pinuno ayon sa larawan ng mga taga-Babilonia na ang lupaing tinubuan ay Caldea.

16 Nang makita niya sila ay nahumaling siya sa kanila at nagpadala ng mga sugo sa kanila sa Caldea.

Read full chapter

Footnotes

  1. Ezekiel 23:14 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw .