Font Size
Ezekiel 23:21-23
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ezekiel 23:21-23
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
21 Ang ginagawa mo'y tulad ng ginawa mo sa pakikiapid sa Egipto. Hinayaan mong simsimin ang iyong bango at himas-himasin ang iyong mga dibdib.
Ang Hatol ng Diyos sa Nakababatang Kapatid
22 “Kaya nga, Oholiba, ito ang sinasabi ko sa iyo: Ngayon, ang kinamuhian mong mga kalaguyo ay inudyukan ko laban sa iyo. Ipapalusob kita sa kanila mula sa iba't ibang dako. 23 Darating ang mga taga-Babilonia, Caldea, Pecod, Soa, Koa, at lahat ng taga-Asiria; ang makikisig na kabinataan, gobernador, punong-kawal, pinuno at mandirigma na pawang kabayuhan.
Read full chapter