Add parallel Print Page Options

Ang parusa kay Ohola, at kay Oholiba.

22 Kaya, Oh Oholiba, ganito ang sabi ng Panginoong Dios; Narito, aking ibabangon ang mga mangingibig sa iyo laban sa iyo, na siyang pinagsawaan ng iyong kalooban, at aking dadalhin (A)sila laban sa iyo sa lahat ng dako:

23 Ang mga taga Babilonia at lahat ng Caldeo, (B)ang Pekod, at ang Soa, at ang Coa, at lahat ng taga Asiria na kasama nila; na mga binatang makisig, mga tagapamahala at mga pinuno silang lahat, mga prinsipe, at mga lalaking bantog, silang lahat ay nagsisisakay sa mga kabayo.

24 At sila'y magsisiparitong laban sa iyo na may mga almas, mga karo, at mga kariton, at may kapulungan ng mga tao; sila'y magsisilagay laban sa iyo sa palibot na may longki, at kalasag at turbante; at aking ipauubaya ang kahatulan sa kanila, at sila'y magsisihatol sa iyo (C)ayon sa kanilang mga kahatulan.

Read full chapter