Add parallel Print Page Options

35 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Sapagkat ako'y iyong nilimot, at tinalikuran mo ako, kaya't pasanin mo ang mga bunga ng iyong kahalayan at pagiging bayarang babae.”[a]

Ang Parusa ng Panginoon sa Magkapatid

36 Bukod dito'y sinabi ng Panginoon sa akin: “Anak ng tao, hahatulan mo ba si Ohola at si Oholiba? Kung gayo'y ipahayag mo sa kanila ang kanilang mga kasuklamsuklam na gawain.

37 Sapagkat sila'y nagkasala ng pangangalunya, at ang dugo ay nasa kanilang mga kamay. Kasama ng kanilang mga diyus-diyosan ay nagkasala sila sa pagsamba sa mga iyon, at pinadaan sa apoy ang kanilang mga anak na kanilang ipinanganak sa akin bilang pagkain nila.

Read full chapter

Footnotes

  1. Ezekiel 23:35 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw .