Add parallel Print Page Options

36 Sinabi ng Panginoon sa akin bukod dito: Anak ng tao: (A)hahatulan mo baga si Ohola at si Oholiba? ipakilala mo sa kanila ang kanilang mga kasuklamsuklam.

37 Sapagka't sila'y nagkasala ng pangangalunya, at (B)dugo ay nasa kanilang mga kamay; at sa kanilang mga diosdiosan ay nagsisamba; at kanila namang (C)pinaraan sa apoy upang masupok ang kanilang mga anak, na kanilang ipinanganak sa akin.

38 Bukod dito'y ginawa nila ito sa akin: (D)kanilang nilapastangan ang aking santuario sa araw ding yaon, at (E)nilapastangan ang aking mga sabbath.

Read full chapter