Add parallel Print Page Options

40 At bukod dito ay inyong ipinasundo ang mga taong nangagmumula sa malayo, na siyang mga ipinasundo sa sugo, at, narito, sila'y nagsisidating; na siyang dahil ng iyong ipinaligo, at ipinagkulay mo ng iyong mga mata, at pinaggayakan mo ng mga gayak;

41 At naupo ka sa isang mainam na higaan, na may dulang na nakahanda sa harap niyaon, na siya mong pinaglapagan ng aking kamangyan at (A)aking langis.

42 At ang tinig ng pulutong na tiwasay ay nasa kaniya: at nadala na kasama ng mga lalake sa mga karaniwan ang mga manglalasing na mula sa ilang; at sila'y nangaglagay ng mga pulsera sa mga kamay nila, at mga magandang putong sa kanilang mga ulo.

Read full chapter