Add parallel Print Page Options

46 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Ako'y magsasampa ng isang (A)kapulungan laban sa kanila, at ibibigay ko sila upang ligaliging paroo't parito at samsaman.

47 At babatuhin sila ng kapulungan, ng mga bato, at tatagain sila ng kanilang mga tabak; papatayin nila ang kanilang mga anak na lalake at babae, at susunugin ng apoy ang kanilang mga bahay.

48 Ganito ko patitigilin ang kahalayan sa lupain, upang ang lahat na babae ay maturuan na huwag magsigawa ng ayon sa inyong mga kahalayan.

Read full chapter