Add parallel Print Page Options

“Si Ohola ay naging bayarang babae[a] nang siya'y akin; at siya'y umibig sa kanyang mga mangingibig na mga taga-Asiria,

mga mandirigma na may damit na kulay ube, mga tagapamahala at mga pinuno, silang lahat ay mga binatang makikisig, mga mangangabayo na nakasakay sa mga kabayo.

Ipinagkaloob niya sa kanila ang kanyang pagiging bayarang babae,[b] sa kanilang lahat na mga piling lalaki sa Asiria. Dinungisan niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng lahat ng diyus-diyosan ng mga taong kanyang kinahumalingan.

Read full chapter

Footnotes

  1. Ezekiel 23:5 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw .
  2. Ezekiel 23:7 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw .