Add parallel Print Page Options

Ipinagkaloob niya sa kanila ang kanyang pagiging bayarang babae,[a] sa kanilang lahat na mga piling lalaki sa Asiria. Dinungisan niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng lahat ng diyus-diyosan ng mga taong kanyang kinahumalingan.

Hindi niya iniwan ang kanyang pagiging bayarang babae[b] na kanyang ginawa mula pa sa mga araw niya sa Ehipto, sapagkat sa kanyang kabataan, sila'y sumiping sa kanya at hinawakan nila ang suso ng kanyang pagkadalaga; at kanilang ibinuhos ang kanilang kahalayan sa kanya.

Kaya't ibinigay ko siya sa kamay ng kanyang mga mangingibig, sa kamay ng mga taga-Asiria, na siya niyang kinahumalingan.

Read full chapter

Footnotes

  1. Ezekiel 23:7 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw .
  2. Ezekiel 23:8 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw .