Font Size
Ezekiel 24:3-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ezekiel 24:3-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
3 Ilahad mo ang isang talinghaga tungkol sa mapaghimagsik na bayan ng Israel. Sabihin mong ito ang ipinapasabi ni Yahweh:
Magsalang ka ng palayok at punuin ng tubig.
4 Ilagay rito ang mga piling bahagi,
ang hita at pitso,
at punuin din ng maiinam na butong lagain.
5 Kunin ang karneng ito sa piling tupa;
isalang at gatungan.
Pakuluan nang pakuluan ang mga laman at butong ito.”