Font Size
Ezekiel 25:6-8
Ang Biblia, 2001
Ezekiel 25:6-8
Ang Biblia, 2001
6 Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Sapagkat ipinalakpak mo ang iyong mga kamay, at ipinadyak mo ang iyong mga paa, at nagalak ka na may buong paghamak ng iyong kalooban laban sa lupain ng Israel,
7 kaya't iniunat ko ang aking kamay laban sa iyo, at ibibigay kita bilang samsam sa mga bansa. Tatanggalin kita mula sa mga bayan, ipalilipol kita mula sa mga bansa at aking wawasakin ka. At iyong malalaman na ako ang Panginoon.
Ang Pahayag Laban sa Moab
8 “Ganito(A) ang sabi ng Panginoong Diyos: Sapagkat sinabi ng Moab at ng Seir, Narito, ang sambahayan ni Juda ay gaya ng lahat ng ibang mga bansa;
Read full chapter