Add parallel Print Page Options

11 Tatapakan ng mga paa ng kanyang mga kabayo ang lahat mong mga lansangan; papatayin niya ng tabak ang iyong bayan at ang matitibay mong haligi ay mabubuwal sa lupa.

12 Kanilang sasamsamin ang iyong mga kayamanan, at nanakawin ang iyong kalakal. Kanilang ibabagsak ang iyong mga pader at gigibain ang iyong magagandang bahay. Ang iyong mga bato, kahoy at ang lupa ay ihahagis nila sa gitna ng dagat.

13 Aking(A) patitigilin ang tinig ng iyong mga awit, at ang tunog ng iyong mga lira ay hindi na maririnig.

Read full chapter