Font Size
Ezekiel 26:14-16
Ang Biblia, 2001
Ezekiel 26:14-16
Ang Biblia, 2001
14 At gagawin kitang hubad na bato. Ikaw ay magiging dakong ladlaran ng mga lambat; ikaw ay hindi na muling itatayo sapagkat akong Panginoon ang nagsalita, sabi ng Panginoong Diyos.
15 “Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos sa Tiro: Hindi ba mayayanig ang mga pulo sa tunog ng iyong pagbagsak, kapag ang nasugatan ay dumaraing, kapag ang patayan ay ginawa sa gitna mo?
16 Kung(A) magkagayo'y bababa ang lahat ng mga pinuno sa dagat mula sa kanilang mga trono, at aalisin ang kanilang mga balabal, at huhubarin ang kanilang mga damit na may burda. Sila'y mababalot ng panginginig; sila'y magsisiupo sa lupa, at manginginig bawat sandali, at matatakot sa iyo.
Read full chapter