Font Size
Ezekiel 27:25-27
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ezekiel 27:25-27
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
25 Mga(A) malalaking barko ang pambiyahe mo ng iyong mga produkto.
“Ikaw ay punung-puno ng mabigat na kalakal
sa gitna ng karagatan.
26 Dinadala ka ng mga tagasagwan mo sa iba't ibang lugar,
ngunit binayo ka ng hanging mula sa silangan, at nawasak sa gitna ng dagat.
27 Ang iyong kayamanan, kalakal,
mga marinero, kapitan,
tagakumpuni, mangangalakal, at mga kawal
ay kasama mong nalubog sa dagat nang ikaw ay mawasak.