Add parallel Print Page Options

Tulad ka ng isang malaking barko na gawa sa kahoy na abeto mula sa Senir. Ang palo moʼy yari sa kahoy na sedro mula sa Lebanon. Ang mga sagwan moʼy yari sa kahoy na ensina mula sa Bashan. At ang sahig moʼy gawa sa mga kahoy na galing pa sa isla[a] ng Cyprus[b] na may disenyong gawa sa pangil ng elepante. Ang layag moʼy gawa sa binurdahan na telang linen na mula pa sa Egipto at parang bandila kapag tiningnan. Ang iyong tolda ay kulay asul at ube na mula sa tabing-dagat ng Elisha.

Read full chapter

Footnotes

  1. 27:6 isla: o, baybayin.
  2. 27:6 Cyprus: o, Kitim.