Font Size
Ezekiel 29:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ezekiel 29:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Pahayag Laban sa Egipto
29 Noong(A) ikalabindalawang araw ng ikasampung buwan ng ikasampung taon ng aming pagkakabihag, sinabi sa akin ni Yahweh, 2 “Ezekiel, anak ng tao, harapin mo ang hari ng Egipto. Magpahayag ka laban sa kanya at sa buong Egipto. 3 Sabihin mong ito ang ipinapasabi ko: Ako'y laban sa iyo, hari ng Egipto. Ikaw na malaking buwayang nagbabad sa tubig. Ikaw na nagsasabing ang Ilog Nilo ay iyo pagkat ikaw ang gumawa nito.
Read full chapter