Add parallel Print Page Options

22 At ang kamay ng Panginoon ay sumasa akin, at sinabi niya sa akin, Bumangon ka, lumabas ka sa kapatagan at doo'y makikipagusap ako sa iyo.

23 Nang magkagayo'y bumangon ako, at ako'y lumabas sa kapatagan; at, narito, ang kaluwalhatian ng Panginoon ay dumoon, na gaya ng kaluwalhatian na aking nakita sa pangpang ng ilog Chebar; at ako'y napasubasob.

24 Nang magkagayo'y suma akin ang Espiritu, at itinayo ako sa aking mga paa; at siya'y nakipagsalitaan sa akin, at nagsabi sa akin, Yumaon ka, magsara ka sa loob ng iyong bahay.

Read full chapter