Add parallel Print Page Options

Sapagkat malapit nang dumating ang araw na iyon, ang araw ng paghatol ng Panginoon. Magiging maulap at madilim ang araw na iyon para sa mga bansa. Sasalakayin ang Egipto at maghihirap ang Etiopia.[a] Maraming mamamatay na taga-Egipto, sasamsamin ang mga kayamanan nila at wawasakin ito. Sa digmaang iyon, mapapatay ang maraming taga-Etiopia, Put, Lydia, Arabia, Libya at iba pang mga bansang kakampi ng Egipto.

Read full chapter

Footnotes

  1. 30:4 Etiopia: sa Hebreo, Cush. Ganito rin sa talatang 5 at 9.