Add parallel Print Page Options

Ang mga cedro sa halamanan ng Dios hindi makapantay sa kaniya; ang mga puno ng abeto ay hindi gaya ng kaniyang mga sanga, at ang mga puno ng kastano ay hindi gaya ng kaniyang mga sanga; o may anomang punong kahoy (A)sa halamanan ng Dios na kagaya niya sa kaniyang kagandahan.

Pinaganda ko siya sa karamihan ng kaniyang mga sanga, na anopa't lahat ng punong kahoy sa Eden, na nangasa halamanan ng Dios, nanaghili sa kaniya.

10 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't ikaw ay nataas sa kataasan, at inilagay niya ang kaniyang dulo sa gitna ng mga mayabong na sanga, at (B)ang kaniyang puso ay nagmataas sa kaniyang pagkataas;

Read full chapter