Add parallel Print Page Options

Ginawa ng Dios na Bantay ng Israel si Ezekiel(A)

33 Sinabi sa akin ng Panginoon, “Anak ng tao, sabihin mo ito sa mga kababayan mo: Kapag ipapasalakay ko ang isang bayan, ang mga mamamayan sa lugar na iyon ay pipili ng isa sa mga kababayan nila na magiging bantay ng kanilang lungsod. Kapag nakita ng bantay na iyon na paparating na ang mga kaaway, patutunugin niya ang trumpeta para bigyang babala ang mga tao.

Read full chapter