Add parallel Print Page Options

Kayo'y nagsisikain ng gatas, at kayo'y nangananamit sa inyo ng lana, inyong pinapatay ang mga pinataba; nguni't hindi ninyo pinakakain ang mga tupa.

Hindi ninyo pinalakas ang payat, o inyo mang pinagaling ang may sakit, o inyo mang tinalian ang may bali, o inyo mang ibinalik ang iniligaw, o inyo mang hinanap ang nawala; kundi (A)inyong pinagpunuang may karahasan at may kahigpitan.

At sila'y nangalat (B)dahil sa walang pastor, at sila'y naging pagkain sa lahat ng hayop sa parang, at sila'y nangalat.

Read full chapter