Add parallel Print Page Options

16 Bukod dito'y dumating sa akin ang salita ng Panginoon, na nagsasabi,

17 Anak ng tao, nang tumatahan ang sangbahayan ni Israel sa kanilang sariling lupain, kanilang (A)inihawa ng kanilang lakad at ng kanilang mga gawa: ang kanilang lakad sa harap ko ay naging parang (B)karumihan ng babae sa kaniyang kapanahunan.

18 Kaya't aking ibinugso ang aking kapusukan sa kanila (C)dahil sa dugo na kanilang ibinubo sa lupain, at dahil sa kanilang nilapastangan ng kanilang mga diosdiosan;

Read full chapter