Add parallel Print Page Options

23 At malalaman ng mga bansa na ang sangbahayan ni Israel ay pumasok sa pagkabihag dahil sa kanilang kasamaan; sapagka't sila'y nagsisalangsang laban sa akin, at ikinubli (A)ko ang aking mukha sa kanila: sa gayo'y (B)ibinigay ko sila sa kamay ng kanilang mga kaaway, at silang lahat ay nangabuwal sa pamamagitan ng tabak.

24 Ayon sa kanilang karumihan (C)at ayon sa kanilang mga pagsalangsang ay gumawa ako sa kanila; at ikinubli ko ang aking mukha sa kanila.

Ang Israel ay muling itatayo.

25 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: (D)Ngayo'y aking ibabalik ang Jacob na mula sa pagkabihag, at maaawa ako sa buong (E)sangbahayan ni Israel; at (F)ako'y magiging mapanibughuin dahil sa aking banal na pangalan.

Read full chapter