Font Size
Ezekiel 39:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ezekiel 39:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
5 Sinasabi kong mabubuwal ka sa kaparangan. 6 Lilikha ako ng sunog sa Magog at sa baybayin ng dagat, ang lugar na hindi dating nakakaranas ng gulo. Sa gayon, makikilala nilang ako si Yahweh. 7 Ipapakilala ko ang aking pangalan sa gitna ng bayan kong Israel at di ko na pababayaang malapastangan ito. Sa gayo'y makikilala ng lahat ng bansa na ako si Yahweh, ang Banal na Diyos ng Israel.”
Read full chapter