Font Size
Ezekiel 40:20-22
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ezekiel 40:20-22
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Tarangkahan sa Gawing Hilaga
20 Pagkaraan, sinukat niya ang daanan sa gawing hilaga na papunta rin sa patyo sa labas. 21 Ang tigatlong silid ng mga bantay-pinto, ang mga pader sa pagitan at ang bulwagan ay kasinlaki rin ng nasa tarangkahan sa gawing silangan. Ang haba ng daanan ay dalawampu't limang metro at labindalawa't kalahating metro ang luwang. 22 Ang bulwagan, mga bintana, at dibuhong puno ng palma ay katulad nga ng nasa tarangkahan sa gawing silangan. Pito ang baytang nito at nasa dulo ang bulwagan paharap sa patyo.
Read full chapter