Font Size
Ezekiel 40:26-28
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ezekiel 40:26-28
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
26 Pito rin ang baytang nito at nasa dulo ang bulwagan paharap sa patyo. May tig-isang dibuho ng puno ng palmera ang pader ng pasilyo. 27 Mayroon din itong daanan papunta sa patyo sa loob. Ang haba nito ay limampung metro.
Ang Patyo sa Loob: Ang Tarangkahan sa Timog
28 Ako'y ipinasok niya sa patyo sa loob. Sa tarangkahan sa gawing timog kami nagdaan. Sinukat niya ito at kasukat din ng iba.
Read full chapter