Font Size
Ezekiel 40:38-40
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ezekiel 40:38-40
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang mga Gusali sa Tabi ng Tarangkahan sa Hilaga
38 Ang patyo sa labas ay may isang kuwarto; nakadikit ito sa tarangkahan sa loob sa gawing hilaga at abot sa bulwagang nakaharap sa patyo. Doon nila nililinis ang mga hayop na pinatay upang sunugin sa altar bilang handog. 39 Sa magkabilang panig ng bulwagan ay may apat na mesa. Dito naman nila pinapatay ang mga hayop na ihahandog, kahit na susunugin, handog para sa kapatawaran ng kasalanan, o handog na pambayad sa kasalanan. 40 May apat na mesa rin sa labas, tigalawa sa magkabila ng tarangkahan sa gawing hilaga.
Read full chapter