Font Size
Ezekiel 40:39-41
Magandang Balita Biblia
Ezekiel 40:39-41
Magandang Balita Biblia
39 Sa magkabilang panig ng bulwagan ay may apat na mesa. Dito naman nila pinapatay ang mga hayop na ihahandog, kahit na susunugin, handog para sa kapatawaran ng kasalanan, o handog na pambayad sa kasalanan. 40 May apat na mesa rin sa labas, tigalawa sa magkabila ng tarangkahan sa gawing hilaga. 41 Tig-apat ang mesa sa loob at labas ng bulwagan. Sa mga mesang ito pinapatay ang lahat ng hayop na panghandog.
Read full chapter
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.