Font Size
Ezekiel 41:18-20
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ezekiel 41:18-20
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
17-18 Ang loob naman ng templo ay balot ng tablang kasintaas ng pinto at may ukit na larawan ng palmera at kerubin; salitan ang larawan ng palmera at kerubin. Bawat kerubin ay may dalawang mukha: 19 isa ay mukha ng tao, mukha naman ng leon ang isa. Ang mga ito'y magkatalikod at parehong nakatingin sa puno ng palmera. Ganito ang larawang nakaukit sa lahat ng dingding ng templo. 20 Kasintaas ng pinto ang mga tablang may nakaukit na larawan ng kerubin at puno ng palmera.
Read full chapter