Ezekiel 42:11-13
Ang Biblia (1978)
11 At ang daan sa harap ng mga yaon ay gaya ng anyo ng daan sa mga silid na nangasa dakong hilagaan; ayon sa haba ay gayon ang luwang: ang lahat ng labasan ng mga yaon ay ayon sa mga anyo ng mga yaon, at ayon sa mga pintuan ng mga yaon.
12 At ayon sa mga pintuan ng mga silid na nangasa dakong timugan ay may isang pintuan (A)sa bukana ng daan, sa daang tuwid na patuloy sa pader sa dakong silanganan, sa papasok sa mga yaon.
13 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Ang silid na hilagaan at ang silid na timugan na nasa harap ng bukod na dako, mga itinalagang silid, na (B)pagkakanan ng mga kabanalbanalang bagay (C)ng mga saserdote na malapit sa Panginoon: doon nila ilalapag ang mga kabanalbanalang bagay, at (D)ang handog na harina, at ang (E)handog dahil sa kasalanan, at ang handog dahil sa pagkakasala; sapagka't ang dako ay banal.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978