Add parallel Print Page Options

12 At ayon sa mga pintuan ng mga silid na nangasa dakong timugan ay may isang pintuan (A)sa bukana ng daan, sa daang tuwid na patuloy sa pader sa dakong silanganan, sa papasok sa mga yaon.

13 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Ang silid na hilagaan at ang silid na timugan na nasa harap ng bukod na dako, mga itinalagang silid, na (B)pagkakanan ng mga kabanalbanalang bagay (C)ng mga saserdote na malapit sa Panginoon: doon nila ilalapag ang mga kabanalbanalang bagay, at (D)ang handog na harina, at ang (E)handog dahil sa kasalanan, at ang handog dahil sa pagkakasala; sapagka't ang dako ay banal.

14 Pagka ang mga saserdote ay (F)nagsisipasok, hindi nga sila magsisilabas sa banal na dako na papasok sa looban sa labas, kundi doon nila ilalapag ang kanilang mga kasuutan na kanilang ipinangangasiwa; sapagka't mga banal: at sila'y mangagsusuot ng mga ibang kasuutan, at magsisilapit sa ukol sa bayan.

Read full chapter