Add parallel Print Page Options

12 katulad din sa mga silid sa timog. May pintuan pagdating mismo sa daanan na papasok sa gusaling iyon. May pader sa gilid ng daanang ito, kung papasok ka galing silangan.

13 Sinabi sa akin ng tao, “Ang mga silid na ito sa gawing timog at hilaga na nasa gilid ng bakuran sa loob ay mga banal na silid. Sapagkat diyan kumakain ang mga pari ng mga banal na handog na inihandog nila sa Panginoon. Gagamitin din nila ang mga silid na ito bilang lalagyan ng mga handog ng pagpaparangal sa Panginoon, handog sa paglilinis at handog na pambayad ng kasalanan.[a] Sapagkat banal ang mga silid na ito. 14 Kapag ang mga pari ay lumabas na sa mga banal na silid[b] na ito, hindi sila dapat pumunta agad sa bakuran sa labas. Dapat magbihis muna sila ng ibang damit bago sila pumunta sa bahagi ng templo na para sa mga tao.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 42:13 handog na … kasalanan: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod.
  2. 42:14 mga banal na silid: o, Banal na Lugar o, Templo.