Font Size
Ezekiel 43:13-15
Ang Biblia, 2001
Ezekiel 43:13-15
Ang Biblia, 2001
Ang Dambana
13 “Ang(A) mga ito ang sukat ng dambana ayon sa mga siko (ang siko ay isang siko at isang lapad ng kamay): ang patungan ay isang siko ang taas, at ang luwang ay isang siko, at ang gilid niyon sa palibot ay isang dangkal. At ito ang magiging taas ng dambana:
14 mula sa patungan sa lupa hanggang sa mababang palapag ay dalawang siko at ang luwang ay isang siko; at mula sa mababang palapag hanggang sa higit na mataas na palapag ay apat na siko, at ang luwang ay isang siko.
15 Ang apuyan ng dambana ay apat na siko; at mula sa apuyan ng dambana hanggang sa dakong itaas ay may apat na sungay.
Read full chapter