Font Size
Ezekiel 43:21-23
Ang Biblia, 2001
Ezekiel 43:21-23
Ang Biblia, 2001
21 Iyo rin namang kukunin ang batang toro na handog pangkasalanan, at susunugin mo sa itinakdang lugar ng bahay, sa labas ng banal na lugar.
22 At sa ikalawang araw ay maghahandog ka ng kambing na lalaki na walang kapintasan na bilang handog pangkasalanan; at ang dambana ay malilinis gaya ng kanilang pagkalinis sa pamamagitan ng guyang toro.
23 Pagkatapos mong malinis ito, maghahandog ka ng isang batang toro na walang kapintasan, at isang lalaking tupa na mula sa kawan na walang kapintasan.
Read full chapter