Font Size
Ezekiel 43:22-24
Ang Biblia, 2001
Ezekiel 43:22-24
Ang Biblia, 2001
22 At sa ikalawang araw ay maghahandog ka ng kambing na lalaki na walang kapintasan na bilang handog pangkasalanan; at ang dambana ay malilinis gaya ng kanilang pagkalinis sa pamamagitan ng guyang toro.
23 Pagkatapos mong malinis ito, maghahandog ka ng isang batang toro na walang kapintasan, at isang lalaking tupa na mula sa kawan na walang kapintasan.
24 Ihahandog mo ang mga yaon sa harapan ng Panginoon, at wiwisikan ng asin ang mga iyon ng mga pari, at kanilang ihahandog bilang handog na sinusunog sa Panginoon.
Read full chapter