Font Size
Ezekiel 43:22-24
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ezekiel 43:22-24
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
22 Kinabukasan, isang kambing na lalaki at walang kapintasan naman ang inyong ihahandog; lilinisin din ang templo sa paraang ginawa nang ihandog ang toro. 23 Pagkalinis ng altar, maghahandog kayo ng isang toro at isang lalaking tupa, parehong walang kapintasan. 24 Ang mga ito'y ihahandog ninyo sa akin; aasnan muna ito ng mga pari bago sunugin bilang handog.
Read full chapter