Add parallel Print Page Options

Itinayo ako ng Espiritu at dinala sa bakuran sa loob, at nakita ko ang buong templo na nilukuban ng makapangyarihang presensya ng Panginoon. Habang nakatayo ang tao sa tabi ko, may narinig akong tinig mula sa templo. Ang sinabi sa akin, “Anak ng tao, ito ang aking trono, at ang patungan ng aking paa. Dito ako mananahan kasama ng mga Israelita magpakailanman. Hindi na muling lalapastanganin ng mga Israelita maging ng kanilang mga hari ang aking pangalan, sa pamamagitan ng pagsamba sa mga dios-diosan[a], o sa mga monumento ng namatay nilang mga hari.

Read full chapter

Footnotes

  1. 43:7 pagsamba sa mga dios-diosan: sa literal, pangangalunya ng lalaki.