Ezekiel 43:7-9
Ang Biblia, 2001
7 At sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, ito ang lugar ng aking trono, at lugar ng mga talampakan ng aking mga paa, na aking tinatahanan sa gitna ng mga anak ni Israel magpakailanman. Hindi na lalapastanganin pa ng sambahayan ni Israel ang aking banal na pangalan, nila man, o ng kanilang mga hari man, ng kanilang pagiging bayarang babae,[a] at ng mga bangkay man ng kanilang mga hari, kung sila'y mamatay,
8 sa kanilang paglalagay ng kanilang pasukan sa tabi ng aking pasukan, at ng kanilang mga haligi ng pintuan sa tabi ng aking mga haligi ng pintuan, na mayroon lamang pader sa pagitan ko at nila. Kanilang nilapastangan ang aking banal na pangalan sa pamamagitan ng kanilang mga kasuklamsuklam na kanilang ginawa; kaya't aking tinupok sila sa aking galit.
9 Ngayon nga'y iwan nila ang kanilang pagiging bayarang babae,[b] at ilayo sa akin ang mga bangkay ng kanilang mga hari, at ako'y tatahan sa gitna nila magpakailanman.
Read full chapterFootnotes
- Ezekiel 43:7 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw .
- Ezekiel 43:9 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw .