Font Size
Ezekiel 43:9-11
Ang Biblia, 2001
Ezekiel 43:9-11
Ang Biblia, 2001
9 Ngayon nga'y iwan nila ang kanilang pagiging bayarang babae,[a] at ilayo sa akin ang mga bangkay ng kanilang mga hari, at ako'y tatahan sa gitna nila magpakailanman.
10 “Ikaw, anak ng tao, ilarawan mo sa sambahayan ni Israel ang anyo at plano ng bahay, upang sila'y mapahiya sa kanilang mga kasamaan, at hayaang sukatin nila ang plano.
11 Kung sila'y mapahiya sa lahat nilang ginawa, ilarawan mo ang anyo ng bahay, ang gusali, ang mga labasan at mga pasukan niyon, at ang buong anyo niyon. Ipaalam mo sa kanila ang lahat ng mga tuntunin niyon; at lahat ng kautusan niyon, at iyong isulat iyon sa kanilang paningin, upang kanilang maingatan ang buong anyo at ang lahat ng mga tuntunin ay maisagawa nila.
Read full chapterFootnotes
- Ezekiel 43:9 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw .