Ezekiel 44:17-19
Ang Biblia (1978)
17 At mangyayari, na pagka sila'y magsisipasok sa mga pintuang-daan ng lalong loob na looban, (A)susuutan sila ng mga kayong linong kasuutan; at walang lanang dadaiti sa kanila, samantalang sila'y nagsisipangasiwa sa mga pintuang-daan ng lalong loob na looban, at sa loob.
18 Sila'y (B)mangagpupugong ng kayong lino sa kanilang mga ulo, at (C)mangagtatapi ng kayong lino sa kanilang mga balakang; hindi sila mangagbibigkis ng anomang nakapagpapapawis.
19 At pagka kanilang lalabasin ang mga tao sa looban sa labas, ng bahay, (D)kanilang huhubarin ang kanilang mga kasuutan na kanilang ipinangangasiwa, at ilalagay nila ang mga ito sa mga banal na silid; at mangagsusuot sila ng ibang mga kasuutan, upang (E)huwag nilang banalin ang mga tao ng kanilang mga kasuutan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978